Unang Bahagi -
GINTONG BAKAL NA PLUMA
Ikalawang Bahagi -
TRUTH
Isang katok ang sumira ng katahimikan sa loob ng kwarto kung saan naroon sila Daina, Romano at Celestina. Binuksan ni Romano at pinto at nakita niyang si Vashti ang kumakatok. Seryoso ang mukha ni Vashti. Ibang-iba sa itsura niya noong unang kita ni Daina dito. Tinitigan lang siya ni Romano ng ilang minuto. Ngiti lang ang ginanti ni Vashti sa mga titig niya. Tila ba naguusap sila gamit ang kanilang isipan. Matapos ng ilang minuto ay umalis na si Vashti nang walang kahit anong salitang sinabi. Sinara ni Romano ang pinto at sinabing...
"Andito na sila Celestina. Kailangan na natin tumungo sa pulang silid."
"Sige." Mailking sagot ni Celestina.
"Teka, sinong dumating?" Tanong ni Daina.
"May mga mga espesyal kang bisita na gusto kang makita." Banggit ni Romano.
"Naghihintay sila sa kwarto sa ibaba. Halika at puntahan natin sila." Dugtong ni Romano.
Bumaba
sila sa unang palapag ng gusali at tumungo sa silid na may kulay pulang pinto. Bago pa sila makarating ay nakaramdam si Daina ng
kakaibang lakas sa loob ng silid. Ganun na ganun ang
pakiramdam niya bago pa mangyari ang sakuna sa kanilang paaralan.
Tinanong ni Celestina ang anak kung maayos lang ba ang kanyang
pakiramdam dahil nakita niya itong nanginginig at pawisan. Tumango si
Daina at sinabing maayos lang siya at wala siyang dapat ipag-alala sa
anak.
Binuksan ni Romano ang pinto at
bumungad kay Daina ang mga pamilyar na mukha na naghihintay sa kanya sa
loob ng silid. Hindi makagalaw si Daina sa kanyang nakita dahil nakatayo sa harapan niya ang tatlong matatalik niyang kaibigan, si Beca,
Si Jethro, at si Andrew.
"Pano nangyari? Pano kayo nakapunta dito? Pano niyo nalaman ang
lugaar na to? Andrew? Jethro? Akala ko kung ano na nangyari sa inyo." Ang sunod sunod na tanong ni Daina sa mga kaibigan.
"Dain, masaya akong makita kang ligtas at nasa mabuting kalagayan." Salubong ng masayang si Beca na may kasamang yakap sa kaibigan.
"Daina, kahit na ayaw kita ay kahit na palagi mo inaagaw ang oras ko kay Beca ay masaya akong makita kang ligtas." Biro ni Jethro kay Daina.
"Ikaw talaga kahit kailan Jethro puro ka biro." Sagot ni Daina.
Habang masayang nagkukumustahan sina Beca at Daina, si
Andrew ay nakatayo lang at nakatitig sa may bintana. Tila wala siyang
gana na kamustahin si Daina o titigan man lang ito sa mata. Nilapitan
siya ni Daina at kinamusta ang kalagayan nito. Maikli lang ang sagot ni
Andrew na tila ayaw makipag usap sa dalaga.
"Ayos lang." Maikling sagot ni Andrew.
"Mabuti kung ganun." Sagot ni Daina.
Humarap
si Andrew kay Daina at biglang niyakap ng mahigpit ang dalaga. Nagulat
si Daina sa ginawa ni Andrew pero masaya siya at may pag-aalala pa rin
pala ang binata sa dalaga. Hindi makagalaw si Daina sa yapos ni Andrew
sa sobrang higpit nito. May pagkailang si Daina sa ginawa ng binata
dahil sa hindi naman niya ito nakitaan ng pag-aalala bago pa mangyari
ang sakuna. Biniro sila ni Beca na bagay silang dalawa at sana ay
sila ang magkatuloyan. Biglang pamumula ng mukha ni Daina na halatang nahihiya sa ginawa ni Andrew .Tinanggal ni
Andrew ang pagkayakap sa dalaga.
Sinabihan niya si Daina na siya ang magiging tagapagtanggol nito
simula sa araw na ito. Ngumiti si Daina senyales na gusto niya ang
narinig niya galing sa binata.
"Teka, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kayo andito. Pano kayo nakaligtas sa nangyari sa silid aklatan?" Tanong ni Daina.
"Ah yun bah, hmm.. pano ko ba ipapaliwanag sayo?" Nakangiting sagot ni Beca.
"Ahh, Beca sinabi ko na sa kanya ang totoo. Kung ano siya at kung sino ako sa buhay niya." Sagot ni Celestina.
"Ah okay...Kasi.. ano eh.. ahh kasi..." Utal na sagot ni Beca.
"Kasi hindi kami mga mortal."Matapang na dugtong ni Andrew
"Huh? Pati ba naman kayo?"
"Ayaw mo? Choosy ka ganun?" Pabirong sagot ni Jethro.
"Simula pa lang nung mga bata pa tayo magkasama na tayo sa Elementalia. Ang mga magulang natin ang may kagustuhan na magkasama tayo dito sa mundo ng mga tao para mabantayan ka." Dugtong ni Andrew.
"Tama si Andrew. Maliban kay Romano sila ay bantay mo din." Paliwanag ng kanyang Ina.
"Bakit hindi ko man lang naramdaman na may kakaiba sa kanila. Si Beca, bata pa lang kami siya na ang lagi kung kasama." Tanong ulit ni Daina.
"Sabihin na nating hindi ka pa hinog. Wala ka pa sa wastong edad para maramdaman mo ang kapangyarihan namin." Paliwanag ni Romano.
"Tsek! At sa darating mong kaarawan mag 18 ka na. Yun ang nakatakdang edad para maging ganap ka nang Mulato. At sa araw na iyon, mararamdaman mo ang kapangyarihan ng kahit anong nilalang sa mundo ng Elementalia at mundo ng mga Tao." Dugtong ni Beca.
"Ah ganun ba? Pasenya na pero info overload na ako. Di ko na ata kaya tong mga naririnig ko. Nakakahilo. Baka naman ang sunod na malalaman ko ay magiging tagapagmana ako ng isang kaharian at isa akong prinsesa?"
"Tsek!" Sagot ni Beca.
"...O di naman kaya ay kailangan kong mamatay para sa katahimikan ng mundo niyo... tama?"
"Tsek!" Sagot ulit ni Beca.
"Beca!" Sigaw ni Andrew.
May kunting katahimikan sa loob ng pulang silid. Hindi parin makapaniwala si Daina sa mga pangyayari. Pero kailangan niya maging matatag at maging matapang.
"Relax ka lang friend, wag masyado ma-stress. Life is beeautiful and so are we. Diba?" Makulit na sagot ni Beca.
"Oo nga tama na yan. Siguro kailangan na natin umpisahan ang paglalakbay sa mundo ng Elementalya. Kailangan na tayo ng Hari ngayon." Sagot ni Romano.
Lalapitan sana ni Romano si Daina ngunit mabilis na lumapit si Andrew sa kanya. Nakatitig lang siya sa dalawa habang naguusap ito. Kita niya ang pag-aalala ni Andrew kay Daina. Nakaramdam ng kunting pagseselos ang binata.
"Tara na, kailangan na natin umalis. Nakahanda na ang lahat sa ating paglalakbay." Saad ni Romano.
"Daina, andito lang ako sa tabi mo. Pasensya ka na pala noong mga nakaraang araw at wala ako sa tabi mo. Kailangan ko lang kasing umalis dahil may mahalagang bagay akong inayos." Saad ni Andrew.
"Wala yun Andrew. Ang mahalaga ay ligtas ka."
"Tara na... Tama na yang pa cute mo Andrew." Singit ni Romano na sa mga oras na yun ay halata na ang pagseselos na sa pagiging malapit nito kay Daina.
"Hindi ako nagpapacute huh! Sinasabi ko lang na simula ngayon ako na ang magiging bantay niya at poprotektahan ko siya kahit anong mangyari." Sagot ni Andrew.
"Tama na nga yan. Tara na! Sagot ni Daina na may pagkainis sa dalawa.
"Bex, kailangan mo ikwento sa akin ang lahat. Nangako ka sa akin nung nasa klinika pa tayo na may sasabihin ka. Tungkol ba dito yung sasabihin mo?" Tanong ni Daina.
"Oo, kaso dumating ang mga Pintados kaya hindi na ako nakapunta sa inyo."
"Kayo din ba sinalakay ng mga Pintados?"
"Oo, lahat ng taong may koneksyon sayo ay gustong hulihin ng mga Pintados."
"Bex, Daina, tara na. Nakahanda na ang lahat sa ating paglalakbay." Pagsingit ni Jethro.
"Tara na Daina, pagdating natin sa Elementalia makikita mo din ang tunay naming anyo. Ipapasyal kita sa Mundo ng Elementalia..." Natutuwang kwento ni Beca.
Tinungo nila ang bakuran sa likod ng gusali. Sa gitna ng bakuran ay may napakalaking puno ng Almaciga na ang bawat ugat nito ay nagsisilbing hangdan paakyat sa mga sanga na abot hanggang langit. Sa laki ng mga ugat ng punong nakita ni Daina ay mistulang nakahawak sa kailaliman ng lupa at ang mga sangga nito ay parang humahawak sa kaulapan na walang katapusan. Tinanong ni Daina ang kanyang ina kung ano ang punong iyon. Ayun kay Celestina, ang punong nakikita nila ngayon ay nagsisilbing daan ng ibat-ibang mundo. Ang Kailaliman (Mundo sa ilalim ng Lupa), ang Gitnang Mundo (Mundo ng mga Tao) at ang Mundo sa Kahangingan; ang mundo ng liwanag at kadiliman. Ang Mundo ng Kahanginan ay nahahati sa tatlong mahiwagang mundo kung saan napabilang ang mundo ng Elementalia.
Tumambad sa kanilang harapan ang isang matandang lalaki na si Fon Kayoo, ang Espiritu ng Puno na nagsisilbing bantay sa mahiwagang Puno ng Almaciga. Nagbigay pugay si Fon Kayoo sa kanila at hiningi ang susi para sa kanilang paglalakbay. Tinanong ni Celestina si Daina kung nasa kanya pa ba ang Gintong Bakal na Pluma sa kanyang bag. Kinuha ni Daina ang pluma at ibinigay kay Fon Kayoo. Itinaas ni Fon Kayoo ang pluma at lumutang ito paitaas at biglang naging susi. Binigay niya ang susi kay Daina at sinabing buksan ang pinto na nakikita niya sa gitna ng ugat ng puno. Lumapit si Daina sa pinto, gamit ang susi ay binuksan niya ito. Sa pagbukas niya sa pinto ay isang napakaliwanag na bagay ang sumalubong sa kaniya na sa sobrang liwanag nito ay ipinikit niya ang kanyang mga mata hanggang sa nawalan ulit siya ng malay...