Huli Man Daw At Magaling, Sinungaling Pa Rin

Inimbitahan ni Adonis ang kanyang ina sa kanyang apartment for a dinner. Habang nasa hapag kainan ay hindi maalis ang tingin ng ina sa roomate ni Adonis na si Angelo. May kunting pagdududa ang ina sa totoong relasyon ng dalawa. Naniniwala ang kanyang ina na mahigit pa sa isang roomate ang turingan ng dalawa.

Buong magdamag na binantayan ng ina ang bawat usapan at galaw ng dalawa. Malakas ang kutob ng ina na may ugnayan nga sila.

Napansin ni Adonis ang pagdududa ng ina kaya't inunahan na niya ito.

"Alam ko ang nasa isip mo. Pero sinisigurado ko na walang namamagitan sa aming dalawa ni Angelo". Pag amin nito sa Ina.

"Ok. Sabi mo eh. Wala naman sa akin yun". Sagot ng Ina.

Makalipas ang ilang linggo ay lumapit si Angelo kay Adonis at sinabing, "Adonis, simula nung bumisita ang Nanay mo dito sa apartment ay may napansin akong nawawala ang gunting natin. Kanina ko pa hinahanap pero di ko makita. Hindi naman sa nambibintang ako pero siya lang kasi ang bumisita sa apartment natin."

Labis ang pagtataka ni Adonis sa kung bakit nga naman mawawala ang isang bagay kung silang dalawa lang ang ibang tao.

"Wag kang mag-alala Angelo, susulat ako kay Nanay at tatanungin ko siya."

Agad sumulat si Adonis sa kanyang Ina para tanungin ito.

========
Dear Nanay,

Kamusta na po kayo? Nais ko lang po sanang magtanong tungkol sa isang bagay. Simula kasi nung bumisita ka dito eh nawawala ang gunting na ginagamit namin dito sa bahay. Hindi ko naman po sinasabi na ikaw ang kumuha at hindi ko rin sinasabi na hindi ikaw ang kumuha. Ngunit hindi mawala sa isipin ko ang katotohanan na simula nung bumisita ka dito ay nawala na ang gunting na iyon.

Nagmamahal mong anak,
Adonis
=========
Makalipas ang ilang linggo ay nakatanggap siya ng liham galing sa kanyang Ina.

=========
Mahal kong Anak,

Ako ay nasa mabuting kalagayan. Wag mo akong alalahanin. Nais ko lang malaman mo na hindi ko sinasabi na wala kayong relasyon ni Angelo at hindi ko rin sinasabi na may relasyon kayo. Ngunit hindi mo rin mawawala sa isipan ko ang katotohanan na may relasyon kayo at natutulog kayo sa isang kama. Kung wala kayong relasyon ay malalaman sana niya na ang gunting na hinahanap niya ay nasa kanyang sariling kama.

Nagmamahal,
Inay
=========

Taob si Anak!

MORAL LESSON: Wag magsinungaling sa mga Magulang. Lolz

14 Nagtaas ng kamay:

  1. Ahahaha.. Nabasa ko na ito dati.. Yung sa version ko, kaserola yung nawawala.. Sa bagay may sense din naman ang gunting no? :)

    ReplyDelete
  2. walang lihim na hindi nabubunyag lalo na sa nanay. :D

    ReplyDelete
  3. Bromance? Hahaha. Nabisto. Si Inay na ang wais. LOL

    ReplyDelete
  4. Hahaha! Ang galing nito... medyo mag pagka-drama pero comedy ung ending... Cool ^^

    ReplyDelete
  5. winner si mommy.. hahaha

    di ko alam kung sya naglagay nun dun pero akalain mo naisip nya yun! para syang si detective conan... LOL

    ReplyDelete
  6. hahaha kung sa bisaya pa "Dah sakpan... tagam lagi"

    di ko alam tagalog nun.. hahaha

    ReplyDelete
  7. yun oh!

    the best talaga ang mga da-moves ni mother!!!!

    -napadaan lang ;)

    ReplyDelete
  8. Detective si Inay. Hehehe. LOL

    ReplyDelete
  9. Hi Xander, ikaw ang aming unang feature sa Kulitis, The Podcast. Isinadula namin ang isa sa iyong mga blogpost. :)

    ReplyDelete
  10. Bang!hi xander, da best tong kwento nato, ngayon ko lang nabasa salamat preng..:)

    ReplyDelete

 
Copyright © 2013 ABoyNamedXander. Designed by Kurog.