Ikaw Ang Lahat Sa Akin

"Hon, anong problema bakit ang tahimik mo simula nung umalis tayo sa bahay ng Mama mo?" Tanong ni Regan habang nagmamaniho pauwi. Tinitigan lang ni Joyce ang asawa ng ilang sigundo at bumalik ang tingin nito sa daan habang bakas parin ang pagkainis nito sa asawa.

"Hon, sumagot ka naman. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko para di mo ako kausapin". 

Tanong nito ulit sa asawa. Muling tumitig si Joyce sa asawa. Sa pagkakataong ito ay bakas na sa kanyang mukha ang pagkapikon sa asawa. Ilang oras pa ang lumipas ay hindi parin nagsasalita si Joyce. Pagdating sa bahay habang nasa hagdanan paakyat sa kanilang apartment ay muling nagtanong si Ryan sa asawa kung ano ang dahilan at bakit parang ayaw siyang kausapin ng asawa.

"Baby, ano ba ginawa ko sayo at ayaw mo akong kausapin. Simula nung umalis tayo sa bahay ng Mama moay parang iritang irita ka na sa akin. Ano ba ginawa ko at nasabi ko at nagkakaganyan ka?" 

May kasamang inis na sa tono ng boses ni Regan.

"Hindi mo ba talaga alam ang ginawa mo? Hindi mo ba talaga matandaan ang sinabi mo kay Mama o sadyang manhid ka lang?" Ang pasigaw na sabi ni Joyce.

"Ano ba sinabi ko at ginawa ko?"

"Huh! Ewan ko sayo! Badtrip ka!"

"Ok fine, sorry na. Kasalanan ko na. Kung ano man ang nagawa ko patawad na Baby".

"Nag sosorry ka ni hindi mo nga alam ang ginawa mo." Galit na sagot ni Joyce habang papasok sa bahay.

"Kasi wala naman akong natatandaang mali na sinabi o ginawa ko".

"Wala? As in wala talaga? Bakit mo pa kasi kailangan isumbong kay Mama na ayaw kong magkaroon ng anak? Bakit mo kailangan ipahiya pa ako sa mga magulang ko na ayaw ko magkaroon ng baby? Bakit? Alam mo naman kung gaano nila gusto magkaapo diba? Bakit pa kailangan ipahiya ako?" Galit na sagot ni Joyce.

"Baby, wala akong sinabing ganun. Ang sabi ko lang hindi mo pa gusto mag ka baby?" Paliwanag ni Regan.

"Yun na nga eh. Para mo na ding sinabi na ayaw kong magkaanak. Mahirap ba intindihin na sa hirap ng buhay ngayon ay dadagdag pa ang isang anak sa gastos? Kahit bahay nga di mo ako kayang ibili eh anak pa kaya ang aalagaan natin. Mag isip ka nga!"

"Baby, wala akong sinasabing ganun. So babalik na naman tayo sa usaping bahay. Ano ba naman toh. Sorry na, Just please stop getting angry at me. I love you". Malambing na sagot ni Regan. 

"You know what, Im sich and tired of this bullshit. Ayaw ko na!"

"Honey, please stop. Would you let me sleep in the toilet again because of this? Sorry na honey." Paglalambing sa asawa sabay yakap nito. 

"Tell me Mister and be honest, gusto mo lang katawan ko kaya mo ako pinakasalan noh? You just want to have a very steamy and hot sex with me kaya mo sinasabi yan. Tama?" Pagkilatis sa asawa.

"Huh! You're funny! Stop it!"

"Sabi ko na eh. Yan lang ang gusto mo!"

"Hey! Yes I want a hot steamy sex with my wife but it doesnt matter to me. Its not that important. Ikaw ano ba talaga ang gusto mo? Ano ba talaga ang gusto mo gawin sa buhay mo? Ang dami mong gustong gawin pero kahit isa wala kang nagagawa. Nagrereklamo ka na pagod ka na sa trabaho pero ano? Andyan ka parin sa trabaho mo. Bakit di mo subukang umalis para mahanap mo ang gusto mo." Galit na sagot ni Regan.

"Ok fine! Whatever!"

"Baby, please Im sorry". Sabay hawak sa dalawang kamay sa asawa.

"What I really want in this world is right here in front of me. You're my everything."

"I dont believe you." 

"Honey, please lets stop arguing. Im tired".

"Pagod na din ako. Pagod na ako sayo. Pagod na ako sa lahat. Mas mabuti pang umalis ka sa harapan ko."

"Gusto mo ako umalis? Gusto mo mawala ako dito? Gusto mong mapag-isa? FINE!"

"Yeah! Get out of my sight. Get out of here and get out of my life".

Tumalikod si Regan papunta sa pintuan habang si Joyce naman ay patungo sa kwarto. Sabay bumagsak ang mga pintuan na hudyat nang pagtatapos ng usapan ng dalawa.

Makalipas ang ilang minuto ay dahan-dahang bunuksan ni Joyce ang pintuan upang tingnan kung lumabas nga ba talaga ng bahay si Regan. Dahan-dahan siyang lumabas ng silid upang suriin ang sala ng biglang bumukas ang main door at nakita ahout you. ng asawang nakangiti sa kanya.

Hindi kayang lisanin ang bahay at ang asawa ng may galit sa puso. Ganun din ang naramdaman ni Joyce sa mga panahong iyon. Tumakbo si Joyce patungo sa asawa habang sinalubong naman siya ng mga yakap ng Mister.

"Honey, Im sorry. I can't live without you. Youre my life. Im gonna die without you". Sabay yakap sa asawa. 

"Baby, I'm really sorry about what I said. I don't mean it. I love you with all my life". Sabay halik sa asawa.

"Shhh.. You dont need to say anything. I know and I love you and I understand you". Sabay halik kay Joyce.


Wakas.

9 Nagtaas ng kamay:

  1. Kala ko may hot and steamy sex na aksyon pag dating sa kwarto ^_^ hehe nice post sir Xander!

    Thats a true love.. hindi pinapalagpas ang away ng isang araw..

    ReplyDelete
  2. ayun may sex at love. lumalove story o! :D

    ReplyDelete
  3. @Xan- hahahha gusto mo ba mag steamy sex? jhahaha

    ReplyDelete
  4. @Bino - oo nga ehh ewan ko ba lumalove story wahahaha

    ReplyDelete
  5. nice hehe steamy hot sex parang no other woman lang sa linya..

    ReplyDelete
  6. a true love....dapat ganito lang ng nasa relationship hindi pinapalagpas ang away ng isang araw:)

    galing! pak!

    ReplyDelete
  7. Thank you for joining PEBA 2011 "Any Blogger Anywhere"
    Please visit your Facebook Profile here
    Tell your FB friends to like your profile!
    Once Again Thank you!

    ReplyDelete
  8. Ang galing naman ng istorya eto, alam ko daming pinoy ang nakakarelate.lol...thumbs up Xander!

    ReplyDelete

 
Copyright © 2013 ABoyNamedXander. Designed by Kurog.